Friday, April 17, 2020
TAYO NGA BA Essays - , Term Papers, Research Papers
TAYO NGA BA? Sabi nga ni Dr . Jose P. Rizal " ang kabataan ang pag- asa ng bayan " . Ngunit sa panahon ngayon marami na ang mga kabataang nalululong sa masamang bisyo at madalas na silang makita na nakatambay sa kung saan saang lugar , papaano na tayong matatawag na pag-asa ng bayan kung ang pinag gagawa natin ay mga walang kwenta at walang naitutulong sa ekonomiya Balikan natin ang nakaraan , hindi ba't ang mga kabataan noon ay nasa loob na nang bahay kapag sapit ng ika-anim ng gabi ? Hindi ba't kapag manliligaw ka ng isang dalaga ay kakailanganin mo pang mang harana at mag igib ng tubig sa bahay ng babae para mag pakitang gilas sa mga magulang ng babae ? Ngunit ngayon saan mo na sila makikita ? Kung hindi sa mga bar ay andoon sila sa isang madilim na sulok , mayroon pa nga sa text lang nagkakatuluyan na . mayroon ding mga kabataan na nasa kanto nakaupo at nakayuko humihithit ng ipinag babawal na gamot . Matatawag pa ba natin silang pag-asa ng bayan? Marami ng hadlang sa pag unlad ng kabataan , ngunit mayroon pa din namang mga kabataan na nasa tamang direksyon , mayroon pa rin sakanila na maaari nating tawagin na pag-asa ng bayan . Ngunit sino nga ba talaga ang pag-asa ng bayan ? Kabataan nga ba talaga ?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.